Sunday, February 27, 2011

Diary: Papa P :)

January 24. First picture with him.

It was “crush at first sight”. Hahaha feeling ko lang. Kasi may something na ako na na-feel nung January 17 nung una ko siang makita sa tryout ng Azkals. Una kong napansin yung ang galing nyang sumipa ng bola. Naalala ko kasi si Neil Etheridge nun eh. Tapos yun, sa mga ibang araw ng training na nandoon kami ni Wina, lagi ko na siyang nakikita. Hindi ko pa nga talaga siya gaano napapansin kasi nakakalimutan ko siya dahil sa Younghusbands!

Nagsimula lahat sa twitter. Madalas siyang nagrereply kaya natutuwa ako talaga sa kanya. Hanggang sa in-approve niya na ako sa facebook after 4 attempts ng pag-add sa kanya. Add, cancel ako ng add, cancel para hindi matabunan yung request ko. Hanggang sa na-approve din naman one day. Buti na lang kasi after ilang days, sobrang dami na daw friend requests kaya hindi na niya ma-approve J. Sa twitter kasi, siya lang yung nagrereply sa mga hi, hello at good morning tweets ko. Natuwa na naman ako!

Nung January 28, ng umaga, bilang nag-try naman na akong gumawa ng video para ka Phil Yhusband, naisipan ko lang din na gumawa ng video para naman kay Paolo. Wala lang. As in wala lang talaga akong magawa tapos in-upload ko lang sa youtube. Pinost ko sa fan page niya tapos ni-repost yung video at may mga nag-comment. May nakalagay pa dun na “tinamaan na kay Paolo”. Nahiya talaga ako ng sobra kaya di na ako nagsabi na ako yung gumawa ng video na yun. Tapos isang beses, naka-chat ko siya. Tinanong ko kung napanood na niya yung video. Sabi niya yes at shocked daw siya. Hahahaha! Nalurky ako at syempre, nahiya na naman.

After ng Azkals vs Mongolia game, umuwi siya sa kanila sa Cebu. Doon lagi siya naka-online. Mga 2-3 times a day. Kalurky nga eh, nagigising ako ng maaga at natutulog ako ng late para lang ma-tweet siya! Diba, ang adik lang?! Tuwang tuwa lang talaga ako kapag nagrereply siya eh. Feeling ko close na kami. Kilig na kilig lang ako! Eh kasi mabait siya at nag-e-effort talaga siyang sumagot sa lahat. Madami-dami din siyang na-reply sa akin, at lahat yun, ginawa kong favorite sa twitter. Yung isang unforgettable night sa twitter ay February 16 ng gabi. Mga 11:30 na nun eh. Online pa kaming magkakaibigan tapos siya din online. Nagtweet ako na pwede bang mag hello siya sa friends ko tapos minention ko silang lahat. Nagreply naman siya. “sure. Hey whats up” tapos naka-mention lahat ng kaibigan ko. Sobrang tawang tawa kami lahat at nalurky. Mukha kaming mga baliw lang sa twitter at kung ano ano na ang pinagsasabi namin sa kanya. Nagrereply naman siya. Yung mga maiiksi na sagot nya, tuwang tuwa na kami. Kalurky! Tapos nung February 20 naman, papunta na sila ng Baguio nun, nasa bus na. Nagtweet siya na may wifi daw sa bus. Nagtweet lang ako ng, “buti may wifi sa bus. Hello Papa P!”. Ang reply niya sa akin ay “hey! Thanks for the fan video btw..” Nalurky ako!! Biglang naalala niya! OMG lang!! Naalala niya na ako yung gumawa nun. Pero ilang days before nun kasi nag message ako sa facebook niya na ako nga yung gumawa nun. Natuwa lang ako na sa twitter ay nagpasalamat din siya. Ibig sabihin, kilala niya na ako yung nag message at nagtweet sa kanya. Hahahaha feelingera lang.

Basta sobra lang ang paghanga ko. Nalimutan ko na si Neil, Phil at James. Siya na lang ang inaabangan ko sa TV at sa mga pictures sa tumblr eh! Pati mga kaibigan ko, gusto na siya. Naisipan na naman namin na gumawa ng video. At eto pa! Nag-record sila Joy, Mafe at Madz para lang sa music doon sa video. Taray! Effort lang pero para lahat yun sa kanya. Pinagpuyatan namin ni Mafe yun. Siya sa pag edit ng music, ako naman sa video kasi pabago bago ako ng isip eh. Hahahaha!

February 27. Ang itim ko pero keri lang.
Kahapon (February 27), nanood kami ng game ng Kaya at ng Global sa Umak. Alam na naming andun siya kaya kami nagpunta. Hahaha Gusto kasi nmin siyang makita ulit at binigyan namin siya ng kopya ng mga videos. Nagpakilala kami sa kanya. Mabait naman siya at mukhang mahiyain. Pag kinakausap siya, parang twitter lang din ang sagot niya. “its okay”, “sure”, “thanks” “thanks for the support”. Ganun lang pero siyempre diba di pa kasi kami close. For sure naman madaldal din siya. Feeling ko lang. Nung nandun na kami sa harap niya, hindi naman ako makapagsalita. Ang dami kong gustong sabihin at itanong pero nawala lahat. Hi lang ata ang nasabi ko. Nagpa-picture lang ulit ako tapos nag thank you lang ako. Hindi nga ako makatingin sa kanya. Kalurky! Sinayang ko ang pagkakataon. Ayoko lang kasi maging feeling close kagaya ng iba. :P


Hindi ko alam kung anong meron ka Papa P. Pero go lang, ipagpatuloy mo yan. Tuwang tuwa ako sayo. Galingan mo pa ang pagiging goalkeeper. Soon, sana makita na kita na goalie ng Azkals sa mga susunod na game. Don’t give up nga sabi mo diba? Wait ka lang, your time will come. Remember, I am your first fan. I claim it! I am your fan forever. Nandun ako nung nagsa-start ka. Forever na yun. Promise. J

Sunday, February 13, 2011

Spice Girls!

Dedicated to the Spice Girls! :) Naisip ko lang kagabi di ako makatulog. Kaya sumulat ako. :))))

                                                    
Mafe:
Si Mafe ay ang Miss Congeniality ng group. Lahat friends nya. Pag iniwan mo sya sa isang lugar, imposibleng wala siyang maging friend dun. Masipag siya mag aral at matalino. Sobra siyang cheerful at friendly. Mapagmahal siya sa pamilya at sa kaibigan.  Siya ang baby sa pamilya nila at hindi siya nagco-commute mag isa. Mabait siyang kaibigan, generous at thoughtful. Matakaw siya pero hindi siya madamot. J

Karmela:
Si Karmela ay ang conyo sa amin. Hahahah! J Tahimik lang siya pero madaldal talaga pag nakausap mo. Mabait siyang kaibigan. Simple lang siyang tao at walang arte sa katawan. Hindi ko pa siya narinig na nagsalita ng masama sa isang tao. Ayaw niyang makasakit at ayaw niya rin naman masaktan.  Masipag siya mag-aral. Love na love niya ang family niya at syempre mga friends niya.

Jay Anne:
Si Jay Anne ang pinaka independent sa group. Marami siyang alam sa mga bagay bagay. Isa pang walang arte sa katawan. Sobra siyang matiyaga. Maayos siya sa gamit, malinis. Hindi lahat ng kwento sa buhya niya ay alam ko pero feeling ko, dahil dun kaya siya matatag. Malakas ang loob niya at willing siya na matuto ng kahit anong bagay. Marami siyang pangarap at feel ko, matutupad yun dahil matiyaga siya.

Kelly:
SI Kelly, iba lang ang sipag. Sobrang generous at thoughtful. Willing siya i-share lahat ng meron siya kahit mawalan na siya. Pag may pinagawa sa kanya, tatapusin niya yun ng maayos kahit pa mapuyat at mapagod siya. Ready siya mag sacrifice para sa pamilya at kaibigan. Kahit malungkot siya, gusto niya pa din ipakita na masaya siya. J



I love you all Spice Girls! J See you soon! HUUUGGGG!! Mwaahhh!