Friday, August 15, 2014

Maling Akala

Alam mo yung feeling na akala mo eto na, akala mo may tao na ulit na magpapasaya sayo at tutulungan kang makalimutan yung heartbreak na pinagdaanan mo? Akala ko lang pala.

Masaya siyang kausap. Maganda ang flow ng kwentuhan namin. Nagkakaintindihan kami kahit na ang labo labo ng usapan namin. Sweet siya. Mabait. Honest. SINGLE DAW. Kaya ako, may pagka tanga, umasa. Although never naman talaga siya nagsabi na gusto nya ako or something, na-hurt pa din ako sa ginawa nya. Naging close kami and naging honest siya sakin kaya nagtiwala ako. I never really assumed na manliligaw siya kasi nga wala naman siyang nabanggit na gusto niya ako. Kinikilig ako kapag tinatawag niya akong "MiHo" at kapag sinasabi niyang gusto niya akong i-hug. Siguro nga sweet lang siya at nabigyan ko ng meaning yung ganung ginagawa niya. Pero bakit kailangan niyang magsinungaling? Hindi daw niya ma-open ang facebook nya, gumawa na daw siya ng bagong account, wala daw silang internet sa bahay, etc. Pero kaka-accept lang nya ng friend request ko gamit yung fake account ko. Huling huli! Tapos kaya pala hindi ako ina add dahil "In a relationship" ang status niya sa facebook. Sobra akong galit nung nakita ko yun. Lalo na nung tinanong ko kung nag facebook na siya, at sagot niya ay hindi daw. Hindi ko natiis at gusto kong malaman na alam ko na ang nililihim niya. I thought of a plan. So nagtext ako sa kanya na "Kainis mga taong cheater!! Shet ung friend ko niloko!" I started the conversation ng ganyan. Tapos nagtanong na siya. Hanggang sa sinabi nyang "baka hindi intensyon ng guy na manloko" "baka naman may ibang aspect pa" "siguro nasanay na yung guy na kausap ung friend mo.. Nasanay na siya na kapag parang wala ng taong mkaka intindi sa kanya, ung friend mo yung huling taong nkaka intindi sa kanya" nung sinabi niya yan, alam ko nang alam nya na siya ang tinutukoy ko. At hindi ako nagkamali. Nung nag good night na ako, i said "thanks for everything" he said "goodnight erika! I'm sorry" Ayun! Confirmation na alam niya na siya ang tinutukoy ko. He said sorry. I forgive him but he should remember that I will never forget.....